-
SENATOR IMEE R. MARCOS BASKETBALL CLINIC
Senator Imee R. Marcos at City Mayor Malou Flores-Morillo, parehong babaeng lingkod-bayan at may iisang layunin na makapagbigay ng Tama at nararapat na serbisyo sa taumbayan. Isang programang alay sa kabataan ang inilunsad ng tanggapan ni Sen. Imee na ipinatutupad sa buong Pilipinas, ito ang Basketball Clinic na layunin ay simulan sa grassroots ang pagtuturo…
-
Mag-aaral na mula sa Barangay Sta. Rita Child Development Center, naglibot sa Calapan City Hall
Masayang dumating at naglibot sa Calapan City Hall, nitong ika-23 ng Abril ang labimpitong (17) batang mag-aaral na mula sa Barangay Sta. Rita Child Development Center, Calapan City, Oriental Mindoro, kasama ang kani-kanilang magulang at guro, bilang bahagi ng kanilang Educational Trip, na binigyang suporta at paggabay ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ni…
-
EXPANDED HEALTH PROGRAM SA BRGY. MAHAL NA PANGALAN
Tuluy-tuloy sa pag-arangkada ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, kasama si City Councilor Atty. Jel Magsuci, para sa paghahatid ng abot kamay na serbisyo, para sa mga Calapeño, sa pamamagitan ng Expanded Health Program na siyang ibinaba sa Barangay Mahal na Pangalan, nitong ika-22 ng Abril.
-
City Mayor Marilou Flores-Morillo ay nakiisa sa pagdiriwang ng ika-55 na anibersayo ng (SIDC)
Ang ating Punong-Lungsod, City Mayor Marilou Flores-Morillo ay nakiisa sa pagdiriwang ng ika-55 na anibersayo ng Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC), na ginanap sa Lungsod ng Calapan, nitong ika-20 ng Abril, na nakaangkla sa temang “SIDC: Tagumpay at Matatag na Kooperatiba, Mananatili kapag Sama-sama Gamit ang Makabagong Teknolohiya”.
-