Barangay Assembly Day

Tuluy-tuloy na pagdalo, tuluy-tuloy na pakikiisa sa pagpupulong. Walang pinipili, walang pinalalampas. Ganyan kaaktibong nakikilahok sa mga Barangay Assembly ang Punong-lungsod ng Calapan na si Mayor Malou Flores-Morillo.

Dinaluhan ni Mayor Morillo ang mga naganap na Barangay Assembly ng Balingayan, Canubing II, Ilaya, Libis, Panggalaan, at Sta. Cruz. Kasama sina City DILG Director EnP. Ivan Stephen Fadri, City Councilor, Atty. Jel Magsuci, at Mr. Jaypee M. Vega, Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns. Dito’y muling nakadaupang palad ng Ina ng Lungsod ang mga Calapeño at personal na naipahayag ang iba’t ibang mga programa at proyekto ng Calapan LGU para sa lahat ng sektor ng lipunan.