Brgy. Assembly

Walang kapaguran, walang dahilan, basta’t ang nais lamang patunyan – bilang Ina ng Lungsod, siya’y laging nariyan.

Dinaluhan ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo ang lahat ng Brgy. Assembly na naganap noong March 10, 2024, sa Brgy. Batino, Bayanan I, Bayanan II, Camansihan, Gulod, Managpi, Masipit, Puting Tubig, at Tawiran.

Matindi ang naging pakikiisa ni Mayor Morillo sa mga pagpupulong na ginanap sa iba’t ibang barangay sa Calapan. Sa pagnanais na marinig ang mga problema, suhestyon at mga naisin ng bawat komunidad, personal itong nilahukan ng Alkalde, bitbit ang pangakong ito’y tutugunan at sosolusyunan.