Mag-aaral na mula sa Barangay Sta. Rita Child Development Center, naglibot sa Calapan City Hall

Masayang dumating at naglibot sa Calapan City Hall, nitong ika-23 ng Abril ang labimpitong (17) batang mag-aaral na mula sa Barangay Sta. Rita Child Development Center, Calapan City, Oriental Mindoro, kasama ang kani-kanilang magulang at guro, bilang bahagi ng kanilang Educational Trip, na binigyang suporta at paggabay ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ni Mr. Restituto G. Cueto na tagapangasiwa ng City Museum.