KATIPUNAN NG KABATAAN GENERAL ASSEMBLY 2024 | BRGY. SAPUL AT CALERO

Personal na bumisita at nakiisa si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa idinaos na “Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly Day 2024” sa Barangay Sapul at Calero, Lungsod ng Calapan, nitong ika-7 ng Abril.

Ang naturang pagpupulong ay pinangunahan ng mga miyembrong opisyales ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sapul at Calero na naglalayong mailahad ang kasalukuyan nilang pamamahala at mapagpulungan ang mga aktibidad para sa kapakanan ng mga kabataang Calapeño.