Bantay dagat training

Bumisita si City Mayor Malou Flores-Morillo sa isinagawang training para sa mga Bantay Dagat sa

pangunguna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ika-23 ng Abril para sa mga Bantay Dagat ng Mindoro. Sa ilalim ng inisyatibo ng Blue Alliance, ito’y naging pagkakataon para sa mga bantay dagat na mapalakas ang kanilang kaalaman sa Law Enforcement.

Kasama ang mga bantay dagat mula sa iba’t ibang bayan na sakop ng Blue Alliance kabilang na ang Calapan, dumalo rin si Mr. Robin Clement Villas, ang OIC ng Fisheries Management Office ng City of Calapan at Blue Alliance Coordinator na si Mr. Carlos Valino, Jr.

Pinakita ni Mayor Malou ang kanyang malasakit sa kalikasan at ang kahalagahan ng pagpapalakas ng mga bantay dagat.