𝑳𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔, 𝑴𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒂𝒕 𝑳𝒖𝒏𝒕𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏!

Kaugnay ng pag-obserba ng 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 ngayong buwan, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ang 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗺𝗶𝗱𝗮𝗱, unang araw ng Marso sa pangunguna ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 & 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamamahalaan ni 𝗠𝗿. 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝘀 𝗘𝘀𝗰𝗼𝘀𝗼𝗿𝗮 katuwang ang 𝗕𝗙𝗣 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 sa pamamahala naman ni 𝗦𝗜𝗡𝗦𝗣 𝗔𝗡𝗚𝗘𝗟 𝗟𝗬𝗡𝗡 𝗕. 𝗦𝗔𝗟𝗩𝗔𝗗𝗢𝗥.

Sa temang “𝑺𝒂 𝑷𝒂𝒈-𝒊𝒘𝒂𝒔 𝒔𝒂 𝑺𝒖𝒏𝒐𝒈, 𝑫𝒊 𝑲𝒂 𝑵𝒂𝒈-𝒊𝒊𝒔𝒂”, naging layon ng pagsasagawa ng naturang aktibidad ang pagpapataas ng antas ng kaalaman ng publiko pagdating sa fire safety tips at pagpapakita ng sapat na kahandaan ng ating fire fighters at CDRRMD Rescue Team pagdating sa insidente ng sunog at iba pang sakuna.

Aktuwal na nasaksihan ng mga partisipante at mga kalahok ang pagsasagawa ng BFP Calapan at 𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗗 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗰𝘂𝗲 𝗙𝗼𝗿𝗰𝗲 ng Fire Emergency Response Capability Demonstration na kinapapalooban ng mga sumusunod: Singaporean-Belay, Victim Under Rappel Technique, Traverse Rescue, High and Low Angle Rescue, Standard Rappelling, Australian Rappelling, Lizard Rappel, Flying Fox Rappel, at gayundin ang Emergency Medical Services.

Samantala, pagsasaayos at pagpapaigting pang lalo ng sistema pagdating sa fire safety at fire response ng lungsod ang siya namang binigyang diin ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺 na siyang target aniya ng kasalukuyang administrasyon sa pagsasagawa at pagsuporta sa mga ganitong uri ng aktibidad.

Ipinaabot din ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang pahayag na, “𝑴𝒂𝒂𝒂𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒓𝒊 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒌𝒖𝒏𝒂, 𝒂𝒏𝒖𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒐𝒓𝒂𝒔. 𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒑𝒍𝒂𝒏𝒐 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒈𝒉𝒂𝒏𝒅𝒂 𝒃𝒂𝒈𝒐 𝒑𝒂 𝒎𝒂𝒏 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒓𝒊 𝒊𝒕𝒐, 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒂𝒏 𝒎𝒐 𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒊𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂’𝒕 𝒊𝒔𝒂.”

Mula naman kay SINSP ANGEL LYNN B. SALVADOR, aniya “𝑺𝒂 𝒑𝒂𝒈-𝒊𝒘𝒂𝒔 𝒔𝒂 𝒔𝒖𝒏𝒐𝒈, 𝒕𝒖𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒂𝒈-𝒊𝒊𝒔𝒂. 𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈 𝒓𝒆𝒍𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒅𝒊𝒏 𝒑𝒐 𝒚𝒂𝒏, 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒑𝒘𝒆𝒅𝒆𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈-𝒊𝒔𝒂 𝒌𝒂, 𝒎𝒂𝒔 𝒍𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒊𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒕𝒖𝒕𝒖𝒍𝒖𝒏𝒈𝒂𝒏, 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒊𝒘𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒉𝒂𝒎𝒂𝒌𝒂𝒏”.

Nagpasalamat naman ang CDRRMD at BFP Calapan sa ipinakitang aktibong pakikilahok ng mga Punong Barangay, PNP, Religious Sector, CGC Department Heads & Program Managers, mga kooperatiba, Rescue & First Aid Volunteers, BJMP, Safety Officers ng City Government at madami pang iba.

Matapos ang Capabiliy Demo, agad itong pinasundan ng Awarding of Insurance mula sa City Government at Red Cross para sa DRRM Workers & Volunteers – 𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖, 𝗕𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖, 𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗗, 𝗖𝗚𝗖 𝗗𝗘𝗦𝗜𝗚𝗡𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗥, 𝗣𝗦𝗗, 𝗖𝗘𝗡𝗥𝗢 at 𝗧𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗩𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿𝘀.

Bago naman matapos ang Araw Ng Paghahanda sa Kalamidad, isinagawa din ang 𝗥𝗲𝘀𝗰𝘂𝗲 𝗕𝗼𝗮𝘁 𝗧𝘂𝗿𝗻-𝗼𝘃𝗲𝗿 ng CDRRMD sa tatlong barangay sa lungsod, ang Barangay Buhuan, Canubing II at Nag-Iba II.