Anti Pneumonia Vaccination and Distribution of Medicines

Sa determinasyong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Calapeño, nagpapatuloy ang pag-

arangkada ng Expanded Health Care Program ng administrasyong Morillo.

Dumayo sa Brgy. Camansihan ang maaasahang team ni Mayor Malou Flores-Morillo upang isagawa ang anti-pneumonia vaccination at namahagi ng mga gamot na makakatulong sa maintenance ng mga senior citizens at bitamina naman para sa mga bata.

Lubos din na ikinatuwa ng mga residente ng Barangay ang naging pagdalo ni Mayor Morillo kasama ang butihing Konsehala ng lungsod na si Atty. Jel Magsuci. Anila pa’y, ramdam nila ang kalinga at malasakit ng Ina ng lungsod sapagka’t sa kabila ng pagiging abala ng Alkalde ay nakakagawa pa rin ito ng paraan upang mabisita ang kanyang mga kababayan. Pinangasiwaan ang vaccination ni City Nurse, Mr. Christian Alferez, RN, kasama ang volunteer na si Ms. Charissa ‘Isay” Flores-Sy, katuwang din ang ilang staff mula sa CHSD at Serbisyong TAMA Center.