Toilet Bowls for Brgy. Gutad Residents

Limampu’t limang (55) Toilet Bowl ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo para sa mga Calapeño sa Barangay Gutad, nitong ika-17 ng Abril, sa pamamagitan ng City Health and Sanitation Department na pinamumunuan ni City Health Officer, Dr. Basilisa M.Llanto at Serbisyong TAMA Center sa pamumuno ni STP Administrator, Mr. Peter Joseph V. Dytioco, kung saan kasama rin sa nasabing aktibidad si Ms. Charissa ‘ISAY’ Flores-Sy, gayundin ang mga opisyales ng Sangguniang Barangay ng Gutad.

Dagdag pa rito, bago ang mismong distribusyon, nagsagawa rin ng impormatibong talakayan ang CHSD, upang magbahagi ng kaalaman, kaugnay sa wastong pangangalaga sa katawan para sa maayos na kalusugan, katulad ng tamang paraan ng paghuhugas ng kamay at iba pa, sapagkat naniniwala sila na ang malinis na tahanan ang magsasalba sa atin mula sa sakit at kapahamakan.