TUPAD ORIENTATION

Sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program ng Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang City PESO sa pamumuno ni Dr. Eder Apolinar Redublo matagumpay na naisagawa ang oryentasyon sa 387 nating kababayan na nagmula sa iba’t-ibang barangay sa Calapan.

Umaasa naman si Mayor Malou Flores-Morillo na makakatulong ang programang TUPAD sa pagiging aktibo ng mga benepisyaryo nito sa mga gawaing panlipunan. Malaki din ang naging pasasalamat ng Ina ng Lungsod sa kapakipakinabang na programang ito ng DOLE.