SERBISYONG TAMA – PAMAMAHAGI NG TUNGKOD AT SAKLAY PARA SA MGA PWDs

Sa layuning maipakita ang suporta sa mga kababayan nating kabilang sa sektor ng PWD, si City Mayor

Malou Flores-Morillo, kasama ang Serbisyong TAMA, Community Affairs, at ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO), ay nanguna sa pamamahagi ng mga tungkod at saklay sa dalawang kababayan na may kapansanan (PWDs) noong ika-29 ng Abril, 2024.

Ang mga tumanggap, na sina Mr. Florentino Quidado, 55-taong gulang mula sa Barangay Bulalo at si Mr. Rudy Casao, 51-taong gulang mula sa Barangay Managpi ay nabigyan din ng pagkakataon na maiparating kay Mayor Morillo ang ilan sa kanilang hinaing at hiling. Sa kabila ng kanilang kalagayan, patuloy silang nagsisikap maghanapbuhay upang makapagbigay ng suporta para sa kanilang mga pamilya.