MANANAYAW NA SINA JEAREN ELENI PANEZA AT NOAG VANKYLER FALTADO BUMISITA SA TANGGAPAN NI CITY MAYOR MALOU FLORES-MORILLO

Bumisita sa tanggapan ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang dalawang mahuhusay na mananayaw na

sina Jearen Eleni Paneza at Noag Vankyler Faltado. Ang dalawang kabataang ito, na kilala sa kanilang pambihirang talento sa sayaw, ay kumakatawan sa ating lalawigan para sa prestihiyosong Regional Dance Sport – Junior Category na bahagi ng MIMAROPA Regional Athletics Association 2024 (MRAA.

Sa kanilang pagbisita, layunin nilang humingi ng suporta para kanilang pagsasanay bilang paghahanda sa nalalapit nilang laban. Hindi naman sila nabigo, sapagkat agad na tinugunan ni Mayor Morillo ang kanilang kahilingan