CALAPAN CITY DIVES INTO TOURISM PROMOTION WITH KEY STAKEHOLDERS

Nagsagawa ng isang estratehikong pagpupulong sa pangunguna ni City Mayor Malou Flores-Morillo, na

kilala sa kanyang makabagong pamumuno, kasama siMs. Yvette Lee, isang International Diver at Komisyoner ng Palakasan ng PCSD, at dalawa sa resort owner sa Calapan na sina G. Mel Agudo at Dr. Kenneth Lim noong ika-29 ng Abril upang talakayin ang ukol sa turismo ng lungsod.

Ang pagpupulong, na ginanap sa harap ng nakamamanghang tanawin ng baybayin ng Calapan, ay naglalayong ilagay ang lungsod bilang isang nangungunang destinasyon ng diving sa rehiyon. Ang pakikipagtulungan ay bahagi ng inisyatiba ni Mayor Morillo na palakasin ang imahe ng Calapan bilang isang sentro para sa pakikipagsapalaran sa ilalim ng tubig at ekolohikal na turismo. Isang daan ito upang makapag bigay ng mataas na kalidad ng karanasan para sa mga turista habang nagpapalaganap ng diwa ng komunidad