Financial Assistance Distribution

Sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, at City Administrator, Ms. Penelope Belmonte,

ipinagkaloob sa limampu’t pitong (57) benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Calapan ang nasa kabuuang P442,600 halaga ng tulong pinansyal na mula sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Housing and Urban Settlement Department na pinamumunuan ni CHUSD Officer, Engr. Redentor “Jojo” A. Reyes, Jr., ginanap sa City Hall, nitong ika-13 ng Mayo, kung saan kasama rin dito sina Chief of Staff, Mr. Joe Umali, at Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns).