CONGRATULATIONS NAOMI FELICITY PEREZ-AYTIN!

Kaugnay sa ginanap na regular flag raising Ceremony, ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala at

insentibong P6,000.00 ang kabataang atletang Calapeñong nagbigay muli ng karangalan sa Lungsod ng Calapan na si Naomi Felicity Perez-Aytin, sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at City Youth and Sports Development Department Officer, Mr. Marvin L. Panahon, ginanap sa City Hall, ngayong ika-13 ng Mayo.

Siya ay binigyang pagkilala ng lokal na pamahalaan, para sa kanyang pagkapanalo, bilang 2nd Placer (Silver Medalist) sa “Junior Elite Category” sa katatapos na “2024 Subic Bay Asia Cup, Subic Bay International Triathlon”, na ginanap sa Subic Bay Freeport Zone, Zambales noong Mayo 4-5 2024.

Buong pusong pagbati para sa iyo, Naomi Felicity Perez-Aytin. Tunay na kahanga-hanga ang iyong ipinakitang dedikasyon at pagmamahal sa larangan ng isport na inspirasyon ngayon, para sa mga kabataan.