Martes, ika-14 ng Mayo, sa Camp Efigenio C. Navarro, personal na dumalo si Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo sa isinagawang Regional Anti-Illegal Drug Summit of MIMAROPA.
Ayon kay Mayor Malou, handa ang Pamahalaang Lungsod na lubos na makiisa sa bagong mukha ng kampanya laban sa ilegal na droga.
Aniya pa, maaari lamang matapos ang suliranin sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng publiko at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Dagdag pa niya, upang mas mapaigting ang kampanya laban sa ilegal na droga, nararapat ang puspusang pagbabantay sa ating pantalan upang maharang ang pagpasok ng droga sa lungsod.
Sa kabuuan, nakita ang mainit na pakikiisa ng Ina ng Lungsod sa pagbalangkas ng mga estratehiya upang makamit ang layunin ng naturang kasunduan (MOU) at pagpupulong.
Pinangunahan ang naturang Drug Summit ni PBGEN ROGER L. QUESADA, Regional Director PRO MIMAROPA at ni PCOL ARVIN T. MOLINA, Deputy Regional Director FOR Operations, Command Group, mga opisyal ng PNP, kasama rin ang ilan pang matataas na indibidwal mula sa DILG, PDEA, Coast Guard, NBI at iba pa.