Unity walk and peace covenant signing

Para sa layuning makamit ang makatotohanan at maayos na 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟯 sa Lungsod ng Calapan ay isinagawa ang 𝗨𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗪𝗮𝗹𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗲𝗮𝗰𝗲 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗻𝗮𝗻𝘁 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗶𝗻𝗴, sinimulan ganap na 4:30 ng umaga, Setyembre 23, 2023.

Pinangasiwaan ito ng 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 katuwang ang mga konsernadong ahensya ng gobyerno tulad ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗶𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗜𝗟𝗚), 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 (𝗣𝗡𝗣), 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗿𝗺𝘆 (𝗣𝗔) at ng 𝗟𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Unity Walk na nagmula sa Calapan City Plaza Pavilion patungo sa Oriental Mindoro National High School. Kabilang sa mga nakasama sa unity walk ay ang mahigit dalawang libong electoral candidates na tatakbo sa BSKE 2023, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci, mga kawani at opisyales mula sa 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 na sina 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗥. 𝗧𝗮𝗺𝗯𝗮𝘀𝗮𝗰𝗮𝗻, 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆 𝗦𝘂𝗺𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗠𝗶𝗿𝗶𝗻𝗱𝗮𝘁𝗼, 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿.

Naroon din si 𝗘𝗻𝗣. 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗦𝘁𝗲𝗽𝗵𝗲𝗻 𝗙𝗮𝗱𝗿𝗶, 𝗗𝗜𝗟𝗚 – 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 kasama ang mga miyembro ng kapulisan sa pangunguna nina 𝗣𝗖𝗢𝗟 𝗦𝗔𝗠𝗨𝗘𝗟 𝗦 𝗗𝗘𝗟𝗢𝗥𝗜𝗡𝗢, 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 – 𝗢𝗿𝗠𝗶𝗻 𝗣𝗣𝗢, 𝗣𝗟𝗧𝗖𝗢𝗟 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗟𝗢 𝗨 𝗗𝗥𝗜𝗭 𝗝𝗥., 𝗢𝗜𝗖 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 – 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗣𝗦.

Mula sa hanay naman ng kasundaluhan ay nanguna sina 𝗟𝗧𝗖𝗢𝗟 𝗘𝗥𝗪𝗜𝗡 𝗖𝗢𝗠𝗕𝗔𝗧𝗘, 𝗖𝗗𝗖 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗣𝗔 𝗮𝘁 𝗦𝗦𝗚 𝗩𝗜𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗜𝗔𝗖𝗢𝗥 𝗝𝗥., 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁𝗿𝘆 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗿𝗺𝘆. Ang religious sector ay naging kabahagi din sa nasabing gawain na kinatawan nina 𝗕𝗶𝘀𝗵𝗼𝗽 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗣𝗼𝗻𝗰𝗲 at 𝗣𝗮𝘀𝘁𝗼𝗿 𝗗𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗮 kapwa 𝗞𝗔𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗟𝗶𝗳𝗲 𝗖𝗼𝗮𝗰𝗵 at ni 𝗜𝗺𝗮𝗺 𝗞𝗶𝗺 𝗪𝗵𝗶𝗹𝗹 𝗖𝗼𝗿𝗮𝗯𝗹𝗲𝘀, 𝗦𝗣𝗔𝗚 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼.

Sa OMNHS Ground kung saan isinakatuparan ang maikling programa ay nagbigay ng mensahe si 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗧𝗮𝗺𝗯𝗮𝘀𝗮𝗰𝗮𝗻, ayon sa kanya, ang COMELEC ay kampante na maidaraos ang proseso ng halalan ng walang anumang suliranin subalit hindi aniya ito maisasakatuparan ng nag-iisa. Sapagakat ang tagumpay ng halalan ay dahil sa pagsasama-sama at pagtutulungan ng lahat ng sektor ng ating lipunan.

Si City Mayor Malou Flores-Morillo bilang Punong Ehekutibo ay nagpahayag ng kanyang buong pagsuporta sa layunin ng COMELEC na makamit ang maayos at mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa lungsod. Pakiusap ng alkalde sa mga kumakandidato na laging tumalima sa mga itinakdang patakaran kaugnay sa halalan upang maiwasan ang anumang problema at sikaping manalo ng may integridad sa dulo ng halalan.

Samantala, inihatid naman ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗠𝗶𝗿𝗶𝗻𝗱𝗮𝘁𝗼 ang 𝒓𝒆𝒎𝒊𝒏𝒅𝒆𝒓𝒔 𝒐𝒏 𝒊𝒎𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂𝒏𝒕 𝒆𝒍𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒎𝒂𝒕𝒕𝒆𝒓𝒔 kabilang na dito ang 𝒑𝒓𝒐𝒉𝒊𝒃𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒏 𝒑𝒓𝒆𝒎𝒂𝒕𝒖𝒓𝒆 𝒄𝒂𝒎𝒑𝒂𝒊𝒈𝒏𝒊𝒏𝒈 gayundin ang mga 𝒅𝒐’𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝒅𝒐𝒏𝒕’𝒔 sa panahon ng kampanyahan.

Sa dulong bahagi ng programa ay isinakatuparan ang sabayang pagpapahayag ng 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒈𝒓𝒊𝒕𝒚 𝑷𝒍𝒆𝒅𝒈𝒆 para sa lahat ng nagnanais kumandidato sa BSKE 2023.

Nagtapos ang programa sa 𝑺𝒊𝒈𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒇 𝑷𝒆𝒂𝒄𝒆 𝑪𝒐𝒗𝒆𝒏𝒂𝒏𝒕 na kung saan maliban sa mga aspiring candidates ay kasama ring lumagda ang iba pang miyembro ng mga ahensya ng pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan, patunay ito ng pagiging kabalikat sa nagkakaisang pangarap na maihalal ang mga karapat-dapat na maglilingkod sa mga barangay.