Talakayan sa pagitan ng pamahalaang lungsod at sectoral representatives ng Brgy. Nag-iba II

Sa direktiba ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, nagkaroon ng pagtitipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng pamayanan ng 𝗡𝗮𝗴-𝗜𝗯𝗮 𝗜𝗜 upang personal nilang mailapit ang mga pangangailangan at katanungan sa Pamahalaang Lungsod, Agosto 30.

Magkakasama namang humarap sa taumbayan sina Mayor Morillo, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼, 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗝𝗮𝘀𝗽𝗲𝗿 𝗔𝗱𝗿𝗶𝗮𝘁𝗶𝗰𝗼 ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗢𝗜𝗖 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀, 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗔𝘃𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗧𝗲𝗷𝗮𝗱𝗮, at 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗢𝘀𝗰𝗮𝗿 𝗥𝗶𝗰𝗮𝗳𝗹𝗮𝗻𝗰𝗮.

Ilan nga sa mga tinalakay ay ang pagkakaroon ng mga anomalya sa listahan ng mga fisherfolks lalo na ang pagkawala sa listahan ng mga tunay na mangingisda, suliraning kinakaharap ng mga magsasaka — ang tagtuyot, pagkuha ng mga dokumento para mapabilang sa samahan ng kababaihan, mga benepisyo at karapatan ng mga Senior Citizens at Persons with Disability, at iba pang tulong na ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod.

Naging bukas din ang talakayan sa mga suhestyon mula sa mga mamamayan — kung ano ang naiisip nilang interbensiyon, at mga programang pangkabuhayan para sa ikauunlad ng kani-kanilang samahan.

Para kay Mayor Morillo, nararapat lamang na ang mga programa ay angkop at makatutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan. Sa kabila ng mga suliranin, mas namutawi ang pagsusulong ng kaalwanan dahil sa kagustuhan na pakinggan ang boses ng Calapeño.