Operation Blessing’s medical brigade

“𝑨 𝑴𝒊𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒀𝒐𝒖 𝑪𝒂𝒏 𝑩𝒆𝒍𝒊𝒆𝒗𝒆 𝑰𝒏. 𝑨 𝑪𝒉𝒂𝒓𝒊𝒕𝒚 𝒀𝒐𝒖 𝑪𝒂𝒏 𝑻𝒓𝒖𝒔𝒕”

Nakiisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶 sa isinagawang “𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴’𝘀 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗲” para sa mga residente ng Lungsod ng Calapan na mula sa Barangay Canubing II at Patas, katuwang ang Lokal na Pamahalaan at mga Barangay Health Workers ng Canubing II, ginanap nitong ika-26 ng Agosto.

Handog nila para sa mga mamamayan ang libreng serbisyong medikal, dental, tuli, counseling, at reading glasses.

Natutuwa ang Punong Lungsod at taos pusong nagpapasalamat sa tulong na hatid ng 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀, 𝗜𝗻𝗰., gayundin sa iba pang mga samahang naging katuwang nito.