Serbisyong Tama at Sapat – sa Calapeño ay nararapat!

Paglalapit at pagbababa ng mga serbisyo para sa Calapeño, isa yan sa mga prayoridad ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼.

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑪𝒂𝒓𝒂𝒗𝒂𝒏, daang residente ng 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗹𝗲𝗿𝗼 at ng mga karatig na barangay pa ang napaglingkuran ng pamahalaang lungsod kaagapay ang iba’t ibang tanggapan, departamento at opisina nito, Lunes, ika-5 ng Pebrero.

Tulong medikal, payong ligal, dental services, libreng gamot, libreng bakuna, kalinga para kina lolo at lola, pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kabataan hanggang katandaan — ilan lamang ito sa mga naihandog ng naturang caravan na muling pinamahalaan naman nina 𝗦𝗧𝗣 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼, na tunay namang ipinagpasalamat ng walang hanggan ng madaming taumbayan na naroroon sa pangunguna ni 𝗞𝗮𝗽 𝗥𝗮𝗻𝗱𝘆 𝗔𝗵𝗼𝗿𝗿𝗼 na nakinabang sa mga serbisyong naibaba ng city government.

Personal namang nakadaupang palad at nakamusta ni Mayor Malou at 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹𝗮 Atty. Jel Magsuci ang mga naroroong mamamayan.