Palarong Panlalawigan 2024

Personal na dumalo si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa idinaos na pagbubukas ng “Palarong Panlalawigan 2024”, na ginanap sa Juan Morente Sr. Memorial Pilot School sa

Pinamalayan, Oriental Mindoro, nitong ika-10 ng Abril, kasama si Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor at Vice Governor Ejay Falcon, gayundin ang iba pang mga lingkod-bayan.

Ang naturang taunang paligsahan ay nilahukan ng mga mahuhusay na atletang manlalaro mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan, kung saan ang nasabing aktibidad ay nakaangkla ngayon sa temang “Character in Greatness: Creating Life Champions through Sports”.