Pagtupad sa ipinangakong – pagpapa-alwan ng buhay ng taumbayan ng Calapan

Mahigit kumulang 𝟱𝟬𝟬 mamamayan ng Calapan ang napagkalooban ng kani-kanilang Health Card.

Sa pamamahala ni 𝗠𝗮𝗱𝗮𝗺 𝗝𝘂𝗹𝗶𝗲 𝗣𝗮𝗱𝘂𝗮𝗱𝗮 – 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗮𝗿𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿, personal na ipinamahagi ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa mga barangay ng 𝗦𝘁𝗮. 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹, 𝗜𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗘𝗮𝘀𝘁, 𝗜𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗪𝗲𝘀𝘁, 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗽𝗶𝘁, 𝗧𝗮𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻 at gayundin sa tanggapan ng 𝗣𝗗𝗘𝗔 ang kanilang Health Card kasama rin sina konsehala Atty. Jel Magsuci at 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶.

Ipinabatid naman ni Mayor Malou sa mga naroroon na tunay namang adhikain niya na mas mapalawig at mas itaas pa ang antas ng serbisyo ng primary health care at medical assistance sa buong kalungsuran, para sa mas malusog at ligtas na Calapan.

“𝑮𝒂𝒔𝒕𝒖𝒔𝒊𝒏 𝒔𝒂 𝒖𝒔𝒂𝒑𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 — 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒕𝒖𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒐 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒅𝒚𝒂𝒏!” — Mayor Morillo