Maligayang kaarawan, Governor Humerlito “Bonz” Dolor!

𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒂𝒓𝒂𝒘𝒂𝒏, Governor Humerlito “Bonz’ Dolor!

Saksi ang buong Lalawigan ng Oriental Mindoro at ang mga Calapeño kung paano mo ginawang makabuluhan ang buhay na ipinagkaloob sa’yo ng Poong Maykapal, para iparamdam ang lubos na pagkandili at para magsilbi ng buong puso, para sa kapakanan ng mga Mindoreño, bilang kinikilalang “𝑨𝒎𝒂 𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒍𝒂𝒘𝒊𝒈𝒂𝒏”.

Hiling at dalangin namin na sana ay patuloy kang pagkalooban ng mahabang buhay kalakip ang kalakasan, katatagan, at katalinuhan, nang sa gayon ay mapagtagumpayan mo ang iyong mga pangarap, para sa ikauunlad at ikaaayos ng ating minamahal na Lalawigan ng Oriental Mindoro.

Mabuhay ka Gov. Bonz!