Kalapenya sa Barangay Suqui, tinuruan ng pangkabuhayan

Dahil kabilang sa mga coastal barangay ng lungsod ang Barangay Suqui ay isang akmang livelihood program ang sa kanila ay ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod.

Sa ilalim ng ๐— ๐—ฎ๐˜…๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—บ ๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ข๐—ฝ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—จ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ๐—ฑ (๐— .๐—”.๐—Ÿ.๐—ข.๐—จ.) ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ na pinapangasiwaan ng ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜† ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ay isinagawa sa ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐˜‚๐—พ๐˜‚๐—ถ ang ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ป ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด, Nobyembre 24, 2023.

Dito ay may 20 mga kababaihan na kasapi ng ๐‘ฒ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’Š๐’‰๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’‚๐’‚๐’ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ฌ๐’Œ๐’๐’๐’๐’Ž๐’Š๐’š๐’‚ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’š๐’‚ (๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฌ๐—”) na residente ng Barangay Suqui ang naging benipisyaryo ng programa.

Sa pag-alalay ng CTID at pamamatnubay ni ๐— ๐˜€. ๐—ฅ๐—ฒ๐˜†๐—ฐ๐˜†๐—น ๐—๐—ผ๐—ถ๐—ฒ ๐—•๐—ผ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ผ, ๐‘ป๐‘ฌ๐‘บ๐‘ซ๐‘จ ๐‘ป๐’“๐’‚๐’Š๐’๐’†๐’“ ay tinuruan ang mga partisipante na gumawa ng mga produktong gawa sa isda tulad ng fish embutido, fish patty at tuyo gormet.

Matibay ang paniniwala ni ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜‚ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€-๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ na sa pamamagitan ng ganitong uri ng programa ay magiging produktibo ang sektor ng kababaihan. Layunin umano ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga ilaw ng tahanan na kumita habang nasa kanilang mga tahanan.

Ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Mayor Malou Flores-Morillo ay palaging nagsusulong ng kagalingan ng bawat sektor partikular para sa mas higit na nangangailangan ng kalinga ng gobyerno.

Ayon kay CTID Officer EnP. Amormio CJS Benter, ang naturang programa aniya ay mabilis na tugon ng Pamahalaang Lungsod sa kahilingan ng pamunuan ng Barangay Suqui na mabigyan ng tulong-pangkabuhayan ang kanilang mga residente.

Hinikayat din niya ang mga benipisyaryo na gawing matagumpay na entrepreneur ang simpleng livelihood training na ibinigay sa kanila. Nakahanda rin umano ang CTID na umalalay sa pamamagitan ng pagbibigay ng technical support at marketing support upang tiyak na lumago ang kanilang napiling negosyo.

Bilang kinatawan ni City Mayor Malou Flores-Morillo ay dumalo sa araw ng pagtatapos ng pagsasanay si ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ฒ๐—ณ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ณ๐—ณ ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ฝ๐—ต ๐—จ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ upang ipaabot ang kanyang pagsuporta sa kababaihan ng Barangay Suqui. Payo ng opisyal sa samahan na sikaping gawing maganda ang kanilang produkto upang tangkilikin ito ng mga konsyumer. Importante rin aniya na maging maayos ang kanilang organisasyon dahil isa ito sa susi tungo sa ikatatagumpay ng kanilang negosyo.

Inihahanda na umano ng Pamahalaang Lungsod ang mga plano sa pagsasagawa ng trade fairs upang maipakilala sa merkado ang kanilang gawang produkto. Ipanaabot ni ๐— ๐˜€. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—น ๐——๐—ฒ ๐—ข๐—ฐ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ผ, ๐‘บ๐’–๐’’๐’–๐’Š ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ท๐‘ฌ๐‘ต๐’€๐‘จ ๐‘ท๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’…๐’†๐’๐’• ang pasasalamat ng kanilang mga miyembro kay Mayor Malou at sa City Government, kaakibat ng kanilang taus-pusong pasasalamat ay ang kanilang pangako na sisikaping pagyamanin ang panimulang puhanan na ipinagkaloob sa kanila.

Maliban sa pagsasanay sa fish processing ay tinaggap na rin ng grupo ng KALAPENYA ang startup kit na kinapapalooban ng assorted kitchen tools, utensils at ingredients na ang halaga ay nasa ๐—ฃ๐Ÿฎ๐Ÿฌ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ.

Naging matagumpay ang pagpapatupad ng nasabing programa sa pagtutuwang ng mga kawani ng City Trade and Industry at nina ๐— ๐—ฟ. ๐—๐—ฎ๐˜†๐—ฝ๐—ฒ๐—ฒ ๐—ฉ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ, ๐‘ฏ๐’†๐’‚๐’… ๐’๐’‡ ๐‘ฉ๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’š ๐‘จ๐’‡๐’‡๐’‚๐’Š๐’“๐’” ๐’‚๐’๐’… ๐‘บ๐’†๐’„๐’•๐’๐’“๐’‚๐’ ๐‘ช๐’๐’๐’„๐’†๐’“๐’๐’” at ๐— ๐˜€. ๐—ฃ๐—ฎ๐˜‡ ๐—š๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐˜‡, ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ท๐‘ฌ๐‘ต๐’€๐‘จ ๐‘ช๐’๐’๐’“๐’…๐’Š๐’๐’‚๐’•๐’๐’“.