KALAP Festival x Ginuman Fest 2024 kick-off concert, matagumpay!

Lamang ang may tapang kapag Kalap Festival era na!

Bilang hudyat ng pagsisimula ng salubong sa Kalap Festival 2024, handog ng Pamahalaang Lungsod na pinamumunuan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at ng Ginebra San Miguel ang Kalap Fest x Ginuman Fest 2024 Kick-Off Concert para sa taumbayan nitong ika-16 ng Marso.

Naging kaabang-abang ang gabing ito dahil sa Mayonnaise, SUD at Jush Hush na nagpakilig, nagpatili, at nagpatalon sa mga mamamayan ng Lungsod ng Calapan at maging ng mga karatig-bayan.

Maliban sa kanila, tampok din ang mga rising local bands na Mayora Juana, Uplifter, Porpip, Nemesis, Untold, Gnawface, at Fadedlines na may baong ang iba’t ibang klase ng musika.

Palung-palo naman sa masa ang comedy act at pa-games ni Amazing Peanut at pinainit naman ng Ganado Dancers ang gabi ng buong Lungsod ng Calapan.

Ang Kick-0ff Concert ay naging posible sa pamamagitan ng City Government of Calapan, City Tourism, Culture, and Arts Office na pinangungunahan ni Mr. Christian Gaud, at ng Ginebra San Miguel.