“KAY MAYOR MALOU, ALAGA SA AMIN HINDI TINIPID – HINDI BITIN”
Tunay namang pagdating sa kalingang pangkalusugan para sa taumbayan, una sa listahan ni Mayor Malou ‘yan!
Patunay dito ang walang tigil na pagbababa sa barangay ng mga libreng serbisyong medikal sa pamamagitan ng Expanded Health Program.
Huling araw ng Abril, taong kasalukuyan, Barangay Sta. Rita naman ang napaabutan at nahandugan ng Pamahalaang Lungsod ng mga libreng serbisyong pangkalusugan.
Lubos na pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga taga Brgy. Sta. Rita sa serbisyong pangkalusugan na natanggap nila, kabilang na ang libreng Anti-Pneumonia vaccine, HPV vaccine, Dental Health Services, Health Card services (membership & renewal), eyeglasses referral, libreng konsultasyon at gamot, at madami pang iba.
Samantala, sa inisyatiba pa rin ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo, ayon sa mga dedikadong Expanded Health Program Team, hindi sila titigil hangga’t hindi lahat ng barangay sa lungsod ng Calapan ay nahahandugan ng libreng serbisyong pangkalusugan.