Sangguniang Barangay ng Camilmil bumisita sa tanggapan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo

Bumisita sa tanggapan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa City Hall, nitong ika-30 ng Abril ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Camilmil  sa pamumuno ni Brgy. Chairman, Redemcy Frayre, para magbigay kortesiya sa Punong-lungsod, kaugnay sa ginagawa nilang paghahanda sa mga magiging aktibidad, para sa pagdiriwang ng 74th Founding Anniversary ng Brgy. Camilmil.