Ginawaran ng Department of Labor and Employment (DOLE) MIMAROPA Region ng Certificate of
Commendation si City Mayor Marilou Flores-Morillo, bilang pagbibigay halaga at suporta sa Utilization of P.E.S.O. Employment Information System (PEIS), Implementation of the DOLE-Government Internship Program (DOLE-GIP), at Provision of the Labor Market Information (LMI) sa taong 2023.
Samantala, binigyang pagkilala rin si City P.E.S.O. Manager, Dr. Eder Apolinar M. Redublo, bilang ” Best P.E.S.O. Manager Labor Market Information Implementer Component City”, at “Best P.E.S.O. Manager Government Internship Program Implementer Component City”, para sa kanyang huwarang pagganap at natatanging tagumpay sa provision of LMI at implementation of DOLE-GIP sa taong 2023.
Dagdag pa rito, tumanggap din ng “Mabuhay ka Award” ang Calapan City Public P.E.S.O. para sa pagiging fully institutionalized in 2011 at pagbibigay ng suporta at kontribusyon sa mga programa ng DOLE.
Ipinagkaloob ang mga nasabing parangal sa idinaos na “2nd Regional DOLE-PESO Year-End Performance Assessment” na ginanap noong ika-13-15 ng Pebrero, 2024 sa Citystate Asturias Hotel, Puerto Princesa City, Palawan.