Libreng anti pneumonia vaccine, konsultasyon at gamot para sa Baruyan Senior Citizens

Sa direktiba ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, tuluy-tuloy ang pagbaba sa barangay ng mga health services!

Nito nga lamang ika-22 ng Pebrero, nagtungo ang Punong-lungsod sa Brgy. Baruyan upang ihandog ang Libreng Anti Pneumonia Vaccine, Health Consultation, at Maintenance Medicines para sa mga Senior Citizens.

Ipinagkaloob din ng Serbisyong TAMA kay Hon. Henry L. Dris-Barangay Chairperson, ang medical kits na magagamit ng mga Barangay Health Workers.

Ang proyektong ito ay pinangungunahan ng Ina ng lungsod sa pamamagitan nina Dr. Von Hidalgo at Ms. Charissa Flores-Sy. Kasama nila sina Nurse Christian Alferez, Ms. Camille Agoncillo-City Pharmacist, ang Serbisyong TAMA Center na pinamumunuan ni Mr. Joseph Dytioco, at Mr. Jaypee Vega na siyang Head of Barangay Affairs and Sectoral Concerns.