Local School Board Meeting

Pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang pagpupulong ng Local School Board nitong ika-22 ng Pebrero.

Sa pagpupulong na ito, tinalakay ang 30 Programs, Projects, and Activities (PPAs) na matagumpay na naisagawa noong 2023.

Maliban dito, pinag-usapan din ang pagrerehabilitate ng Oriental Mindoro National High School Swimming Pool Facilities, ilang imprastrakturang pampaaralan, at paghahanda sa mga Athletic Meets.

Ipinahayag naman ni Mayor Morillo na patuloy na susuporta ang Pamahalaang Lungsod sa mga aktibidad ng mga paaralan; gayundin, hiniling niya ang kooperasyon ng DepEd sa nalalapit na Kalap Festival 2024.