ARAW NG MGA BATA SA BARANGAY MAHAL NA PANGALAN

Damang dama ng mga kabataang Calapeno ang kalinga at malasakit ng ina ng lungsod na si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa

pagdiriwang ng “Araw ng mga Bata 2024” na ginanap sa Barangay Mahal na Pangalan, nitong ika-5 ng Hulyo.
Bida at nag-enjoy sa araw na ito ang mga bibong-bibong chikiting na masayang nakilahok sa mga inilatag na gawain, katulad ng iba’t ibang klase ng mga palaro, kalakip ang mga libreng pagkain at pagkakaloob ng mga kapaki-pakinabang na gamit, sa tulong ng programang “MALOUpit na Ngiti, Kasama kang Pinili” ni Mayor Morillo.
Ang naturang gawain ay nakaangkla sa bisa ng Ordinance No. 3 Series of 2014 na iniakda ni Konsehal Francis Dimaano Abes, kung saan nakasaad dito na itinatakda ang unang Biyernes ng buwan ng Hulyo bilang Araw ng mga Bata, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga makabuluhang aktibidad para sa kanila, gayundin ang paglalaan ng kaukulang pondo para rito.
Kasama ng punong lungsod na nakisaya sa mga aktibo at masisiglang bulilit sina City Councilor, Atty. Jel Magsuci, Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns), at former City Councilor Ms. Mylene de Jesus.
Samantala, naisakatuparan ang nasabing gawain sa pangunguna ng Serbisyong TAMA Center, Community Affairs Office, Office of the City Mayor at Sangguniang Barangay ng Mahal na Pangalan.