Ang pagbisita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office MIMAROPA sa tanggapan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo

Bumisita sa tanggapan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo nitong ika-8 ng Abril ang mga kasapi ng

Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office MIMAROPA sa pangunguna ni DIRECTOR VALENTE G CARINO, Acting Regional Director of PDEA MIMAROPA, para magbigay kortesiya sa Punong-lungsod, kung saan layunin ng naturang pagpupulong na palakasin ang pagtutulungan ng ahensya at ng lokal na pamahalaan sa pagtitiyak ng katiwasayan, kapayapaan at kaligtasan sa buong rehiyon.