ANG IKA-APAT NA MOMMY NA NASERBISYUHAN NG BAGONG PASILIDAD NA BEMONC

Isang bouncing baby boy ang isinilang kaninang 6:50 AM sa BEMONC o Basic Emergency Maternal Obstetric & Newborn Care Center ng Calapan. Si Mommy Fel Elloiem Mae Garcia, 24 yrs. old na mula sa Brgy. Lazareto ang ika-apat na Mommy na naserbisyuhan ng bagong pasilidad na ito na inisyatibo ni City Mayor Malou Flores-Morillo.

Hinihikayat naman ng Calapan LGU ang lahat ng mga nagbubuntis na sa BEMONC Center na lamang manganak, dahil bukod sa pagkakaroon ng maayos na pasilidad, matitiyak ang kaligtasan ng mga nagbubuntis dahil sa mahuhusay nating doktor, midwives at nurses, higit sa lahat, LIBRE pa ang panganganak dito.

Congratulations po sa Mommy and Daddy at welcome to the world, Baby Boy!