Araw ng pagkilala for Stakeholders & PWDs

Taong 1992 ng maiproklama ang taunang obserbasyon ng 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗮𝘆 𝗼𝗳 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗼 𝗜𝗗𝗣𝗗, tuwing ika-3 Disyembre.

Kaugnay nito, personal na dumalo ang Ina ng Lungsod 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓 𝑴𝒂𝒍𝒐𝒖 𝑭𝒍𝒐𝒓𝒆𝒔-𝑴𝒐𝒓𝒊𝒍𝒍𝒐 sa 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒓𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑫𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑫𝒊𝒔𝒂𝒃𝒊𝒍𝒊𝒕𝒊𝒆𝒔 (𝑰𝑫𝑷𝑫) 2023, 𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒊𝒍𝒂𝒍𝒂 𝒇𝒐𝒓 𝑺𝒕𝒂𝒌𝒆𝒉𝒐𝒍𝒅𝒆𝒓𝒔 & 𝑷𝑾𝑫𝒔 na pinangunahan ng 𝗣𝗗𝗔𝗢 sa pamamahala ni 𝗠𝗿. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗔𝗴𝘂𝗮 𝗝𝗿., 𝗣𝗗𝗔𝗢 𝗛𝗲𝗮𝗱.

Naging laman ng mensahe ni Mayor Malou sa naturang selebrasyon ay ang pagkakaisa para sa kaalwanan ng sitwasyon at pamumuhay para sa ating mga kapatid na PWD at pagbabalangkas ng mga panukala at hakbang na para at kaakbay ang may mga kapansanan para na rin sa kanilang mas maayos na kapakanan.

Naroroon din at nagpakita ng kanilang mainit na suporta sina 𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝒉𝒂𝒍𝒂 𝑨𝒃𝒐𝑮𝒂𝒏𝒅𝒂 Atty. Jel Magsuci, 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮 at ang mga butihing stakeholders mula sa iba’t ibang sektor, opisina at ahensya.