“Kapakanan ng taumbayan, Hindi lamang ng mga manininda, Hindi lamang ng mga mamimili.”

Ito ang binigkas ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa hanay ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁 Chicken Vendors, ika-6 ng Disyembre.

Ang mga chicken vendors ay personal na dumulog sa tanggapan ng Ina ng Lungsod para sa isang dayalogo na umikot sa ilang napapanahong issue na kanilang kinakaharap bilang mga manininda sa ating pampublikong pamilihan.

Kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼, binigyang sagot ni Mayor Malou ang mga katanungan ng naturang hanay at tiniyak sa mga ito na agad magsasagawa ng mga hakbang para dito.