Tulong pangkabuhayan ng pamilyang lungsod, Ipinagpasalamat ng mga kababaihan ng Ilaya

Patuloy na pagbibigay ng oportunidad sa desenteng hanapbuhay ang alay ng kasalukuyang administrasyon ni ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜‚ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€-๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ para sa Calapeรฑo.

Sa ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—œ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ, Calapan City, may labing isang (11) miyembro ng samahan ng kababaihan ang matagumpay na nakapagtapos sa ๐‘ฎ๐’‚๐’“๐’Ž๐’†๐’๐’•๐’” ๐‘ท๐’“๐’๐’…๐’–๐’„๐’•๐’Š๐’๐’ ๐‘ป๐’“๐’‚๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ na pinangasiwaan ng ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜† ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ sa ilalim ng ๐— ๐—ฎ๐˜…๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—บ ๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ข๐—ฝ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—จ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ๐—ฑ (๐— .๐—”.๐—Ÿ.๐—ข.๐—จ) Program, isinagawa sa Ilaya Barangay Hall, Nobyembre 28, 29, at 30, 2023.

Sa kanilang pagtatapos ay taas-noong ipinagmamalaki ng mga benipisyaryo ng programa na sila ngayon ay hindi na simpleng mga babae at Ina ng tahanan lamang, dahil marunong na silang kumita ng pera at makapag-ambag sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng kanilang tagapagsanay na si ๐— ๐˜€. ๐— ๐—ฒ๐—ฟ๐—น๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡, ay natuto silang gumawa ng kurtina, apron, bed sheet, at iba’t ibang uri ng bag (loot bag, sling bag, beach bag). Sa huling araw ng pagsasanay ay naging panauhing tagapagsalita si ๐— ๐—ฟ. ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ฝ๐—ต ๐—จ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ, ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ฒ๐—ณ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ณ๐—ณ – ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ. Dito ay kanyang ipinarating ang pagsuporta ni Mayor Malou sa mga kababaihan ng Ilaya. Kanya ring ipinaabot pasasalamat sa Sangguniang Barangay na patuloy na yumayakap sa mga programa at proyektong ibinababa ng pamahalaang lungsod.

Ipinayo din niya sa mga benipisyaryo na sana ay huwag sayangin ang magandang oportunidad, bagkus ay pagyamanin at palaguin ang puhunan na kanilang natanggap.

Ang CTID aniya ay palaging nakaalalay upang gawing organisado ang samahan gayundin ay upang matulungan sila na maibenta sa merkado ang kanilang mga gawang produkto.

Itinuturing naman ni ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—น๐—ฒ๐˜€, na malaking biyaya ang programang ito, tinatanaw niya ang positibong hinahararap na kikilalanin ang kanilang lugar bilang prodyuser ng maganda at matibay na bag.

Aniya pa, ito ay umpisa pa lamang ng maayos na ugnayan ng Barangay Ilaya at ng pamahalaang lungsod. Naroon din upang makiisa sa nasabing aktibidad ang nakababatang kapatid ni Mayor Malou na si ๐—ง๐—ถ๐˜๐—ฎ ‘๐—œ๐˜€๐—ฎ๐˜†’ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€-๐—ฆ๐˜†, ๐— ๐—ฟ. ๐—๐—ฎ๐˜†๐—ฝ๐—ฒ๐—ฒ ๐—ฉ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ, ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—”๐—ณ๐—ณ๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐˜€ at ๐— ๐˜€. ๐— ๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜-๐—›๐—ผ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฎ, ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฌ๐—” ๐—™๐—ฒ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜.

Pormal na ring ipinagkaloob sa samahan sa pamamagitan ng pamunuan ng Barangay Ilaya ang start-up kit mula sa City Government na kinapapalooban ng ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด (๐Ÿฑ) ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ฒ๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฒ, mga tela at iba pang kagamitan sa pananahi na ang kabuuang halaga ay aabot sa ๐—ฃ๐Ÿด๐Ÿด,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ.

Dahil nasiyahan ang kanilang trainer na si ๐— ๐˜€. ๐— ๐—ฒ๐—ฟ๐—น๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡ sa dedikasyon na matuto ang kanyang mga estudyante ay nagkaloob ito ng special prizes sa mga pinakamahusay at pinakamabilis matuto.