Pinatunayan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na hindi lamang sa serbisyo publiko sila maaasahan at may natatanging kahusayan, dahil nitong ika-4 ng Setyembre, ipinamalas din nila ang kanilang natatagong galing sa sama-samang pag-indak sa pamamagitan ng masiglang pakikibahagi sa isinagawang 𝒁𝒖𝒎𝒃𝒂 sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗭𝗶𝗻 𝗕𝗵𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗰𝗮𝗻𝗼 at ng kanyang mga kasama, bilang bahagi ng pagdiriwang para sa 𝒊𝒌𝒂-123 𝒏𝒂 𝑨𝒏𝒊𝒃𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒏𝒈 𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆 𝑪𝒊𝒗𝒊𝒍 𝑺𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆.
Tampok sa gawaing ito ang nakakaaliw at todo hataw na pagsayaw ng mga empleyado ng City Government of Calapan, sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 ‘𝗕𝗶𝗺’ 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, kung saan hindi rin nagpahuli rito sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, mga Department Head, Program Managers, at mga City Councilor.