Calapan 2nd Fide – rapid chess tournament

𝑪𝒉𝒆𝒄𝒌𝒎𝒂𝒕𝒆! Isinagawa sa Lungsod ng Calapan ang 𝟮𝗻𝗱 𝗙𝗶𝗱𝗲 𝗥𝗮𝗽𝗶𝗱 𝗖𝗵𝗲𝘀𝘀 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁 na sinalihan ng mga chess players mula sa lalawigan ng Oriental Mindoro nitong ika-3 ng Setyembre.

Hindi naman pinalampas nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹𝗮 Atty. Jel Magsuci, at 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 𝗙𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻, 𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝘆𝗽𝗲𝗲 𝗩𝗲𝗴𝗮 na bisitahin ang mga kalahok ng nasabing tournament.

Ikinatuwa din ni Mayor Morillo na naging bukas sa lahat ang tournament at bawat edad ay may kinatawan — mula sa mga bata hanggang sa mga senior citizens.

Naging posible ang palaro dahil na rin sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Lungsod sa 𝗨𝗻𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗖𝗵𝗲𝘀𝘀 𝗣𝗹𝗮𝘆𝗲𝗿𝘀 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻, 𝗜𝗻𝗰. Ito ay bunga ng pagnanais ng Punong Lungsod na makilala ang Calapan sa larangan ng chess.