Nitong ika-9 ng Oktubre, sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗢. 𝗣𝗮𝗻𝘀𝗼𝘆, 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮,
𝗮𝘁 𝗣𝗗𝗔𝗢 𝗛𝗲𝗮𝗱, 𝗠𝗿. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗠. 𝗔𝗴𝘂𝗮, 𝗝𝗿., ginawaran ng 𝑪𝒆𝒓𝒕𝒊𝒇𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝑨𝒕𝒕𝒆𝒏𝒅𝒂𝒏𝒄𝒆 ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Calapan, bilang pagpapahalaga para sa kanilang naging aktibong pakikilahok sa isinagawang “𝑨𝒄𝒄𝒆𝒔𝒔𝒊𝒃𝒊𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑨𝒖𝒅𝒊𝒕 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈” sa 𝗕𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗕𝗹𝗴. 𝟯𝟰𝟰 o mas kilala bilang “𝑨𝒄𝒄𝒆𝒔𝒔𝒊𝒃𝒊𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑳𝒂𝒘” na ginanap sa Conference Room, Executive Building, City Hall, Calapan City, noong Setyembre 28-29, 2023.
Layunin ng aktibidad na ito na mas mapalawig pa ang pag-unawa sa Accessibility Law, gayundin sa 𝑼𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒍 𝑫𝒆𝒔𝒊𝒈𝒏 𝑷𝒓𝒊𝒏𝒄𝒊𝒑𝒍𝒆𝒔 at upang makabuo ng pagpapahalaga at mas malalim na kabatiran, tungo sa paglikha ng isang non-handicapping/accessible built environment na makatutulong hindi lamang sa taong mayroong kapansanan, kung hindi pati na rin sa iba pang mga sektor, kabilang ang mga matatanda, mga bata, mga buntis, at iba pa.
Dagdag pa rito, ito rin ay upang makakuha ng kaalaman at kasanayang kinakailangan para sa pagsasagawa ng isang epektibo at napapanatiling accessibility audit, gayundin upang magbigay ng mga solusyon / rekomendasyon sa mga natuklasan / paglabag na naranasan sa panahon ng accessibility audit, at upang idokumento ang accessibility ng mga gusali / establisyemento na na-audit para sa hinaharap na reperensya ng mga taong may kapansanan at mga propesyonal na may kinalaman sa pagpapabuti ng accessibility sa built environment.