Gilas ng Calapan basketball team muling umatake!

Natalo man sa kanilang huling laban kontra sa Team Puerto Galera ay hindi nasira ang diskarte ng ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป sa muling pagsabak nito sa hard court ng ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ’๐˜€ ๐—–๐˜‚๐—ฝ: ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—จ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ๐˜„๐—ป ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ.

Sa Sentrong Pangkabataan, Barangay Sapul, Calapan City, Oktubre 8, 2023 naganap ang laban ng ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป at ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ผ๐—ฟ๐—ฟ๐—ผ, dito ay muling nakita ang bangis ng mga manlalaro mula sa Calapan upang pataubin ang kanilang katunggali.

Sa unang limang (5) minuto ng unang kwarter ay gitgitan pa ang palitan ng puntos sa pagitan ng dalawang koponan subalit pagsapit sa nalalabing tatlong (3) minuto ay nagsimula nang pumutok ang mga shooters ng Team Calapan hanggang sa last 2 minutes. Tinapos nila ang first quarter na may 13 puntos na kalamangan, ๐Ÿฎ๐Ÿฒ-๐Ÿญ๐Ÿฏ ang score.

Kahit anong pagpipilit ng kalaban na bumawi ay hindi ito umiepekto at lalo pang lumobo ang kanilang abante dahil sa 13-0 run mula sa mga birador ng Team Calapan. Nagtapos ang 2nd quarter sa iskor na ๐Ÿฑ๐Ÿด-๐Ÿฏ๐Ÿฑ, 23 puntos ang lamang ng Team Calapan.

Ang buong 3rd quarter ay dominado pa rin ng koponan ng Calapan na nagtapos sa ๐Ÿณ๐Ÿณ-๐Ÿฑ๐Ÿฐ, lamang pa rin ng 23 puntos ang Calapan. Sa unang isang (1) minuto ng 4th and final quarter dahil sa pagpupumilit ng Team Socorro na tapyasin ang tambak na kalamangan sa kanila ay bahagyang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawa sa manlalaro ng magkabilang koponan na parehong tinawagan ng ๐’•๐’†๐’„๐’‰๐’๐’Š๐’„๐’‚๐’ ๐’‡๐’๐’–๐’๐’”.

Sa pagpapatuloy ng aksyon ay tila lalo pang ginanahan ang mga pambato ng Calapan na nagpatuloy sa pagkamada hanggang sa tuluyang tuldukan ang laban sa iskor na ๐Ÿต๐Ÿณ-๐Ÿณ๐Ÿฎ, tambak ng 25 puntos ang Team Socorro.