DAY 4 OF FERTILIZER DISCOUNT VOUCHER DISTRIBUTION

Patuloy na umaaksyon ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou

Flores-Morillo, para sa pamamahagi ng mga Fertilizer Discount Voucher, sa pangangasiwa ng City Agricultural Services Department, sa pangunguna ni CALFFA Coordinator, Engr. Jasper B. Adriatico (CASD Focal Person), ginanap nitong ika-21 ng Hunyo.

Mahigit sa dalawang (2) milyon ang kabuuang halaga ng FDV na naipamahagi sa nasa kabuuang 525 na magsasakang Calapeño mula sa Barangay Sta. Isabel, Bayanan I, Guinobatan, Tawagan, Sapul, Balite, Tawiran, Masipit, Pachoca, Mahal na Pangalan, Camilmil, at Bulusan, kung saan makatatanggap sila ng P3,400.00 worth ng fertilizer voucher kada ektarya.