Muling nasilayan ng mga Calapeño ang imahen ng ating patron na si Sto. Niño matapos ang tradisyunal na Highway
Pilgrimage at Street Dancing, ika-31 ng Disyembre, 2023.
Sa paglibot ng Sto. Niño sa kalungsuran, hatid nya ang pag-asa, pagpapala, proteksyon, at paggabay sa Lungsod ng Calapan. Taun-taon, hindi pinapalagpas ng Kaniyang mga deboto ang araw na ito. Taimtim silang umaantabay at nag-aantay sa kaniyang pagdaan.
Kasunod nito ay ang masiglang pagpaparangal at papuri sa Kaniyang kadakilaan. Sama-sama ang mga deboto sa pag-indak sa kahabaan ng J.P Rizal bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Patrong Sto. Niño.