UNITED SENIOR CITIZEN OF CALAPAN CITY(OSCACOM)

‘Ang Pagtanda ay Biyaya ng Panginoon,Gawin nating Makabuluhan Hanggang sa Huling Sandali ng ating Buhay’

Malaki ang pagpapahalaga natin sa ating mga senior citizens — malalim ang ating paggalang sa ating mga nakakatanda.

Ito ay hindi lamang dahil mahalaga silang bahagi ng ating pamilya, sila din ay tinuturing nating haligi ng ating lipunan na mahalaga ang naging kontribusyon sa pagpapaunlad ng ating pamayanan na kinabibilangan.

Sa pamamagitan ng Ina ng Lungsod, maraming pribilehiyo ang natatanggap ngayon ng ating mga lolo at lola. May diskwento sa pamimili ng kanilang mga gamot at pangunahing pangangailangan, at gayundin sa paglalakbay, sa pag-dine in at takeout sa mga restaurant at madami pang iba.

Sa lungsod ng Calapan, mahigpit na ipinatutupad ni Mayor Malou Flores- ang anumang nasyunal na batas na naka angkla sa ating mga senior citizens.

Patunay lamang ito ng mainit na pagkalinga at pagpapahalaga ng Ina ng Lungsod sa ating mga lolo at lola.

Kaugnay nito, personal niyang pinuntahan ang General Assembly ng United Senior Citizen of Calapan City (OSCACOM) ika-16 ng Abril na ginanap sa Sition Core Housing Bayaan 2.

Ang pagpapatupad ng Pamahalaang Lungsod sa mga panukalang batas na pabor sa mga senior citizens ay isang paraan lamang ng pagkilala natin sa marami nilang mga sakripisyo at mga ambag sa ating lipunan.