United Nation’s Month, Ipinagdiwang ng Activity and Child Productivity Center

Upang gunitain ang buwan ng 𝗨𝗻𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, idinaos ng 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 – 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 ang 𝑴𝒓. 𝒂𝒏𝒅 𝑴𝒔. 𝑼𝒏𝒊𝒕𝒆𝒅 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 2023 na pinasinayaan ni 𝗠𝘀. 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝘆𝗻 𝗠. 𝗣𝗶𝗻𝗼𝗵𝗲𝗿𝗺𝗼𝘀𝗼 — 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿 nitong ika-20 ng Oktubre.

Nagkaroon ng parada sa loob ng City Hall kung saan tampok ang mga chikiting ng ACPC suot ang iba’t ibang tradisyunal na damit ng mga bansang kabilang sa United Nations.

Taun-taon ay isinasagawa ng ACDC ang pagdiriwang ng United Nations upang sa murang edad ng mga bata ay maitanim sa kanilang isipan ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga nasyon sa kabila ng pagkakaiba.

Dumalo naman sa pagdiriwang si 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮 na siyang hepe ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁.