Ulat sa Taumbayan | The 2023 Year-End Highlights

Ang taong 2023 ay tunay na naging makulay para sa lungsod ng Calapan – siksik, liglig, at nag-uumapaw sa mga kwento

puno ng saya at pag-asa. Ipinakita sa atin ng taon na ito ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang makaahon sa bawat suliranin at hamon sa buhay.

Bawat taumbayan ay may pangangailangan, bawat sektor ay may ipinaglalaban at lahat ay naririnig ng Pamahalaang Lungsod. Ang inyo pong lingkod ay nangako na pagsisilbihan ang bawat isang Calapeno hangga’t sa aking makakaya – pangako na hanggang ngayon ay aking unti-unting tinutupad.

Bago natin harapin ang panibagong taon, samahan po ninyo akong balikan ang mga proyekto at programang matagumpay na nailunsad dito sa Calapan ngayong 2023.