Sa pagpapatuloy ng 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗕𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺 (𝗖𝗕𝗠𝗦), isinagawa naman ngayon ng Pamahalaang Lungsod — sa pangunguna ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at sa pamamagitan ng 𝗨𝗿𝗯𝗮𝗻 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗘𝗻𝗣. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗥. 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮, ang apat (4) na araw na pagsasanay tungkol sa 𝑻𝒉𝒆𝒎𝒂𝒕𝒊𝒄 𝑴𝒂𝒑𝒑𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒔𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆 𝑪𝑩𝑴𝑺 𝑫𝒂𝒕𝒂 na sinimulan ngayong ika-20 at magtatapos sa ika-23 ng Nobyembre.
Ang Thematic Mapping ay kabilang sa mga gawain para sa data processing pagkatapos ng pangongolekta ng datos kung kaya’t mahalaga na magkaroon ng pagsasanay ukol dito. Naging kalahok sa pagsasanay ang ilang mga kawani mula sa 𝗨𝗣𝗗𝗗, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗼𝗿’𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻.