Mayor Morillo: Libreng flu & pneumonia vaccine para sa mga Calapeño

Sa pagpapatuloy ng pagbibigay ng 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑻𝑨𝑴𝑨𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏, libreng bakuna laban sa flu at pneumonia ang handog ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 para sa mga teaching and non-teaching staff ng 𝗛𝗼𝗹𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆 nitong ika-22 ng Nobyembre.

Ang naturang programa ay inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni Mayor Morillo na katuwang naman si 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗔𝗹𝗳𝗲𝗿𝗲𝘇, 𝗥𝗡 — ang ating City Nurse.

Layon ng programang mabigyan ng karagdagang proteksyon at palakasin ang resistensya ng mga Calapeño — lalo na ang mga frontliners, laban sa sakit tulad ng trangkaso at pulmonya.