The 2nd Calapan City New Year’s Eve Countdown

“𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 2024, 𝒑𝒂𝒏𝒊𝒃𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒍𝒂 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒐𝒐𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒂𝒉𝒂𝒓𝒂𝒓𝒂𝒑 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂

𝒎𝒊𝒏𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏” — City Mayor Malou Flores-Morillo.

Pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 kasama ang kanyang buong pamilya ang pagsalubong ng mga Calapeño sa pagpasok ng bagong taon 2024, Linggo ng gabi, Disyembre 31, 2023.

Sa harap ng Calapan City Public Market ay nagtipon ang mga nakiisa sa isinagawang 𝑵𝒆𝒘 𝒀𝒆𝒂𝒓’𝒔 𝑪𝒐𝒖𝒏𝒕𝒅𝒐𝒘𝒏 kabilang na dito si 𝗠𝗿. 𝗢𝗿𝘃𝗲𝗻 𝗥𝗮𝗯𝗶𝗻𝗼, 𝗛𝗲𝗿𝗺𝗮𝗻𝗼 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 (𝗦𝘁𝗼. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝗱𝗲 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹).

Habang hinihintay ang paglipat ng taon ay inaliw ng pagtatanghal mula sa iba’t ibang grupo ang mga nag-aabang gaya ng 𝗕𝗹𝘂 𝗫, 𝗘𝗹𝗯𝗶𝘁𝘇, 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗥𝗼𝗼𝗸𝗶𝗲𝘀 at 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿𝗮 𝗝𝘂𝗮𝗻𝗮.

Pagpatak ng eksaktong alas dose ng hatinggabi ay sabay-sabay na nag-ingay at nagsilundagan ang mga manunuod dahil kasabay nito ay nasaksihan sa kalangitan ang makukulay na fireworks display.

Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng Calapan City Tourism, Culture and Arts sa pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗚𝗮𝘂𝗱.