Matapos ang ilang serye ng makabuluhang dayalogo sa pagitan ng pamahalaang lungsod sa
pamamamagitan ng Fisheries Management Office, sa pamumuno ni FMO OIC, Robin Clement Villas at ng iba’t ibang samahan ng mangingisda, Lunes ika-12 ng Pebrero nagkaroon ng katuparan ang katugunan sa mga pangangailangan ng mga nasa sektor ng pangisdaan.
Matagumpay na naisagawa ang ‘Pangkabuhayang TAMA, para sa Kalapenyong Mangingisda’ na namahagi ng Fiberglass Canoe, Bundles of P. E Nets, Rolls of Monofilament Nylon, Rolls of P. E Rope, Bamboo, Wok with kitchen utensils, steel drum, Modified Fish Aggregating Device, Net Floaters, Boat Propeller, Fish Hooks, Cast Nets at iba pa, sa ilang samahan ng mga mangingisda na kabilang sa mga coastal barangay sa lungsod.
Mensahe naman ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo sa mga naroroong mangingisda, na ito ay umpisa pa lamang ng mga biyaya at ayuda para sa sektor nila. Bilin ng Ina ng lungsod, nawa’y ang mga natanggap nila ngayong araw ay alagaan at pagyamanin upang tuluy-tuloy na makatulong sa pag-unlad ng kanilang samahan.
Pinaunlakan rin ng CTID, CITY PESO at STC ang nasabing aktibidad, na sila namang nagbigay ng overview sa kung paano mapalalago at mapapatatag pa ang mga pangkabuhayan at samahan na kanilang nabuo at bubuoin pa (Kate Rondilla Redublo/CIO).