Mga konkretong daan tungo sa mas maunlad na Calapan

“Serbisyong TAMA, sa mga barangay dapat maibaba, upang kaunlaran ng Calapan tuluy-tuloy na mamasdan.”

Upang personal na maiparating ang planong pagpapa-kongkreto ng ilang bahagi ng daan na sakop ng barangay Canubing at Baruyan, personal na nagtungo ang Ina ng lungsod, Mayor Malou Flores-Morillo sa Canubing I Barangay Hall, ika-12 ng Pebrero.

Nagkaroon ng matiwasay na talakayan ang mga may-ari ng lupang madaraanan ng naturang Proposed Canubing I – Baruyan Farm to Market Road at ang mga kinatawan ng pamahalaang lungsod.

Ang mga lugar ng Sitio Bagong Sikat, Canubing 1 Sitio Tahik at Baruyan ang siyang madaraanan ng nasabing Farm to Market Road Project na ito ng city government.